26
Jan
Posted in in Filipino, lists, medicine, people, softy me | No Comments »
Don’t worry. I won’t steal your heart. I will drill through the toughest part of you and suck away that spring that runs through your heart. Now, would you let me in? [insert consent]
Understanding you means understanding your core. Getting to it is painful. Getting out is painful, too.
But could you numb me and take away the pain?
We could afford some numbness. But you see, pain is pain. We could numb it again and again. You would need to heal to truly take away the pain.
Then why do I have to go through that horrible pain?
Because maybe, just maybe, I can heal you.
Didn’t I tell you it will hurt even before we started?
Hindi ko alam kung ano na tong pinapasok ko. Madugo pala.
You ain’t getting through the core until it’s gritty.
Ang iba ang nilalaman, punong-puno, sobra-sobra ang ibibigay. Ang iba naman ang kalooban puro peklat na, wala ka nang makuha. Ano kaya ikaw?
Wag mo na itago yan. Mas masakit pagtinatago mo.
ang bone marrow biopsy.
malaman.
bow.
Thank you Hema for the BMAs.
27
Feb
Posted in in Filipino, medicine, people | 1 Comment »
* Babala: walang anumang bahagi ng salaysay na ito ay hango sa totoong buhay.
Dr : ..ah, nagpunta po kayo dito dahil sumasakit ang dibdib ninyo… Gaano ho ba ang tinatagal ng sakit ng dibdib ninyo bago mawala?
Last Patient: Ah… mabilis lang ho naman.
Read the rest of this entry »
30
Jan
Posted in in Filipino, softy me | 5 Comments »
Dear Ate Charo,
Matagal ko na po talagang gustong sumulat sa inyo. (Kung hindi ninyo maitatanong ay musmos pa lamang ako, pinapanood ko na talaga at iniiyakan secretly ang iyong palabas). Hindi lamang po ako makasulat kasi wala naman talagang makabagbag damdaming nangyari sa buhay ko noon…
Hanggang lumipas ang panahon… Eto ako ngayon. Tumatanda na at nag-iisa sa buhay. (Oo, Ate Charo. 26 na ako. ) Magkasunod na nabigo sa pag-ibig. [Ang full text ay si Ate Charo lang ang pwede bumasa sa ngayon] Masakit Ate Charo. Dumating sa punto na takot na akong magmahal at nasabi ko na lang sa aking sarili na baka ako’y nakatakda talagang mapag-isa sa buhay. Para akong nauuupos na kandila habang dumadaan ang mga araw dahil alam ko na ang pag-ibig na kaya kong ibigay ay punong-puno at busilak sa kagandahan ngunit tila wala nang pagtutuunan kahit kailanman. Pagod na akong magpanggap na nagwawalang bahala ako at may darating din sa buhay ko. Ngunit sa isang tabi, mulat na ang aking mata sa posibilidad na may mga tao talagang mamatay mag-isa.
Oo, Ate Charo, hindi pa naman nangyari sa buhay ko na nasunugan, nabuntis ng walang amang mananagot, tinudyo at pinagtawanan dahil sa aking kaitsurahan, nalaman na ako pala ay ampon… Pero, aaminin ko, nag-iinarte lang talaga ako… ngunit, totoo po,nararamdaman kong wala nang bibigat pa sa dinadala ko. Hindi ko maturuan ang sarili kong hindi makaramdam ng “inner emptiness”.
Ate Charo, masyado na po talagang maraming akong tinitimping emosyon… Ayaw ko naman po magpunta sa psychiatrist kahit tingin ko mababaliw na ako. Alam ko naman na tatanungin lang ako ng shrink kung ano sa palagay ko. Sasabihin ko na sa buong mundo ang palagay ko–ang tanging paraan lamang ay ilabas ko ang lahat ng ito. Tulungan ninyo po akong mai-angat ang aking sarili sa pagkalugmok na ito. Isang bagay lamang naman ang aking hiling. Bigyan ninyo naman po ako nang pagkakataong makapag-artista at makapagdrama. Kahit isang nakaw na sandali lamang sa isang episode. Para kahit isang sandali ay makapagpanggap akong si Judy Ann Santos. Para kahit sa isang araw sa buhay ko ay mapalaya ko na sa mundo ang kinukubli ng aking kaluluwa.
Maraming salamat sa iyong panahon Ate Charo. Asahan mong patuloy kitang susubaybayan.
Sumasaiyo,
Pam
Tags: Ate Charo, Judy Ann Santos, Maalaala Mo Kaya