The longest history
Posted on Friday, February 27th, 2009 at 3:29 pm* Babala: walang anumang bahagi ng salaysay na ito ay hango sa totoong buhay.
Dr : ..ah, nagpunta po kayo dito dahil sumasakit ang dibdib ninyo… Gaano ho ba ang tinatagal ng sakit ng dibdib ninyo bago mawala?
Last Patient: Ah… mabilis lang ho naman.
Dr: Gaano kabilis ang mabilis sa inyo?
Last Patient: Mabilis lang po talaga mawala ang sakit. E di sasakit. Tapos hahaplusin ko ang dibdib ko. Ayun… mabilis lang.
Dr: Gaano ho ba ang mabilis sa inyo? Sa akin po kasi ang mabilis mawala na sakit sa dibdib ay 10 years (yes, dear readers, It’s hard for me to move on, pero di ko naman sinabi out loud). Sa inyo po, ano ang ibig sabihin ng mabilis mawala?
Last Patient: Basta mabilis lang po.
Dr: isang taon po bago mawala?
Last Patient : hindi po. mabilis lang.
Dr: Yung mabilis po ba, nawawala na sa loob ng isang araw?
Last Patient: A basta po, kapag puyat lang ako. Tapos mabilis nawawala.
Dr: Ano nga po ang mabilis? Sa loob po ba ng kalahating araw nawawala na?
Last patient: Mas mabilis po.
Dr: sa loob ng tatlong oras?
Last patient: Mas mabilis po
Dr: (Bakit kaya nya ako pinapaisa-isa? huhuhu) sa loob po ng isang oras?
Last patient: Opo. Mabilis lang po.
Dr: Ah, mabilis lang po sa inyo ang sakit ng dibdib na tumatagal ng isang oras?
Last patient: Hindi po. Mas mabilis pa po.
Dr: (sigh) Medyo inuubos nyo na po ang pasensya ko ma’am. (sabay cutie smile) Isang oras po ba o mas mabilis pa? Kalahating oras?
Last patient: (smiles) Mabilis lang po. Ganun na nga.
Dr ???
Last patient: Kalahating oras.
Dr. : Ah…kalahating oras.
Last patient: Pero pagpuyat lang po ako. Opo.
Dr. : Ah… Gaano naman po kadalas ang ganung klaseng pagsakit ng dibdib?
Last patient: Ah… di naman po ganun kadalas. bihira lang po.
Dr: (thought bubble: Nakupo!) Ah…bihira lang po. Gano po kadalas yung bihira? Araw araw po ba? Isang beses sa isang linggo?
Last patient: Basta po bihira. Kapag napupuyat lang po ako.
Dr: Ah. Kasi po hindi ko alam kung gaano kayo kadalas napupuyat? Araw araw po ba?
Last patient: Hindi po. Bihira lang po.
Dr: (OMG!!!) Ah… mga isang beses sa isang linggo?
Last patient: Opo. Mga ganun. Kapag napupuyat ako.
Dr: Ah. ok po.
——– rest of history——–
Last patient: Teka po pala doktor, pwede ko po ba ipaexamine ihi ko? Masyado po ako madalas umihi.
Dr: (Araykupu. Gaano naman kaya kadalas ang madalas?) O sige po, paminsan.
Last patient: Ano po dok? Sabi ko po gusto ko sana paexamine ihi ko.
Dr: Sige po. Paminsan. Kapag puyat lang kayo.
Last patient: (giggles and taps doctor lightly) dok naman…
Dr: (anye nye! bakit pag joke ang bilis magets?)

Pam Patdu






ang dapat sa mga ganito ay sumigaw ng isang pagkalakas lakas na LEKAT!!!