Archive for January, 2009

Maalaala Mo Kaya

Posted in in Filipino, softy me | 5 Comments »

Dear Ate Charo,
Matagal ko na po talagang gustong sumulat sa inyo. (Kung hindi ninyo maitatanong ay musmos pa lamang ako, pinapanood ko na talaga at iniiyakan secretly ang iyong palabas).  Hindi lamang po ako makasulat kasi wala naman talagang makabagbag damdaming nangyari sa buhay ko noon…

Hanggang lumipas ang panahon… Eto ako ngayon.  Tumatanda na at nag-iisa sa buhay. (Oo, Ate Charo. 26 na ako. ) Magkasunod na nabigo sa pag-ibig. [Ang full text ay si Ate Charo lang ang pwede bumasa sa ngayon] Masakit Ate Charo.  Dumating sa punto na takot na akong magmahal at nasabi ko na lang sa aking sarili na baka ako’y nakatakda talagang mapag-isa sa buhay.  Para akong nauuupos na kandila habang dumadaan ang mga araw dahil alam ko na ang pag-ibig na kaya kong ibigay ay punong-puno at busilak sa kagandahan ngunit tila wala nang pagtutuunan kahit kailanman. Pagod na akong magpanggap na nagwawalang bahala ako at may darating din sa buhay ko.  Ngunit sa isang tabi, mulat na ang aking mata sa posibilidad na may mga tao talagang mamatay mag-isa.

Oo, Ate Charo, hindi pa naman nangyari sa buhay ko na nasunugan, nabuntis ng walang amang mananagot, tinudyo at pinagtawanan dahil sa aking kaitsurahan, nalaman na ako pala ay ampon… Pero, aaminin ko, nag-iinarte lang talaga ako… ngunit, totoo po,nararamdaman kong wala nang bibigat pa sa dinadala ko. Hindi ko maturuan ang sarili kong hindi makaramdam ng “inner emptiness”.

Ate Charo, masyado na po talagang maraming akong tinitimping emosyon… Ayaw ko naman po magpunta sa psychiatrist kahit tingin ko mababaliw na ako.  Alam ko naman na tatanungin lang ako ng shrink kung ano sa palagay ko.  Sasabihin ko na sa buong mundo ang palagay ko–ang tanging paraan lamang ay ilabas ko ang lahat ng ito. Tulungan ninyo po akong mai-angat ang aking sarili sa pagkalugmok na ito. Isang bagay lamang naman ang aking hiling. Bigyan ninyo naman po ako nang pagkakataong makapag-artista at makapagdrama.  Kahit isang nakaw na sandali lamang sa isang episode.  Para kahit isang sandali ay makapagpanggap akong si Judy Ann Santos. Para kahit sa isang araw sa buhay ko ay mapalaya ko na sa mundo ang kinukubli ng aking kaluluwa.

Maraming salamat sa iyong panahon Ate Charo. Asahan mong patuloy kitang susubaybayan.
 
Sumasaiyo,
Pam

Magic from the past

Posted in softy me | No Comments »

          
blurty2

I was browsing through my old blog when I saw this.

Is this possible?

I need the magic now.

waiting

Posted in softy me, supposed rhythms | 1 Comment »

             

it pains me every time I lay still
   and listen to my thoughts
I run from the silence
   it echoes my thoughts
I  turn to the music
   to drown my own hymn
but my soul’s drumming
   battles with the radio’s rhythm
it was a struggle
   going on and on… and on
nauseating, drowning.
Read the rest of this entry »